Abante Tonite Interactive

Oposisyon kabado sa nationwide Martial Law

2,602

Nangangamba ang mga oposisyunistang kongresista na kumalat at ideklara na ng tuluyan sa buong bansa ang Batas Militar.

Ito ay kasunod ng pagpapatibay ng Supreme Court (SC) sa pagpapalawig ng Martial Law sa buong Mindanao sa loob ng isang taon.

Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin,miyembro ng grupong Magnificent 7, masamang pangitain ito na baka ang susunod na gawin ng gobyerno ay ang pagpapairal ng Martial Law sa buong kapuluan.

Sa kabila nito, pinaalalahanan ng kongresista ang kasalukuyang administrasyon na walang habambuhay na nananatili sa poder at kapangyarihan.

Sinabi naman ni Magdalo Rep. Gary Alejano, wala na aniyang makakapigil sa kasalukuyang administrasyon.

Para kay Albay Rep. Edcel Lagman, dahil sa inilabas na desisyon ng SC ay mistulang wala ng matatakbuhan ang mga tao.