Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Oposisyon windang sa Sara-Digong 2022

0 231

Nawindang umano ang oposisyon matapos na ilutang ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang posibleng Duterte-Duterte tandem para sa 2022 presidential elections.

Ito’y ang pagtakbo ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagkapangulo ka-tandem ang amang si Pangulong Rodrigo Duterte bilang bise presidente.

“`Di ba ninyo napapansin? Mula noon ibinigay ko ang ideyang `yon na baka tumakbo si Mayor Sara Duterte bilang presidente at si Presidente Duterte tumakbong bise presidente, na puwede naman, may narinig ba kayong reaksyon galing sa kaliwa o galing sa oposisyon? Wala. Wala kasi hindi nila malaman pano mag-re-react. Hindi nila akalain na puwede pala `yon,” pahayag ni Panelo sa kanyang “Counterpoint” program noong Biyernes.

Ipinaliwanag nito na hindi ipinagbabawal tumakbo si Pangulong Duterte bilang bise presidente. Aniya, maliban sa pagtakbong muli sa pagkapangulo ay maaari itong tumabo sa mas mababang posisyon tulad ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na naging kongresista.

Sabi pa ni Panelo, nangyari na ito sa Davao City nang tumakbo si Pangulong Duterte bilang bise ni Mayor Sara.

Wala namang komento ang mag-amang Duterte sa pahayag ni Panelo. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.