Abante Tonite Interactive

Oral argument sa Martial Law extension itinakda na

By
0 217

Itinakda na ng Supreme Court (SC) sa Enero 22 at 23 ang oral argument sa petisyong kumokontra sa pagpapalawig ng martial sa Mindanao.

Idadaan sa oral argument ang paglutas sa kinukuwestiyon na ikatlong martial law extension sa SC.
Sa ginanap na En Banc session, binigyan ng pitong araw ang Malakanyang at Kongreso para maghain ng komento sa inihain na petisyon ng mga oposisyon na mambabatas.

Nalaman na hiniling ng petisyuner sa SC na ideklarang labag sa batas ang ikatlong martial law extension at pagsuspindi sa writ of habeas corpus sa Minda­nao. Nabatid na ang ikatlong martial law extension ay tatagal hanggang Disyembre 31, 2019.

Kabilang sa mga tutol sa martial law extension ay sina Congressmen Edcel Lagman, Tomasito Villarin, Teddy Baguilat Jr, Edgar Erice at Garry Alejano na kabilang sa Magnificent 7, at Congressmen Christopher Belmonte at Arlene “Kaka” Bag-ao na mula sa Liberal Party.

Ayon sa mga petitioner, labag sa 1987 Constitution ang ikatlong pagpapalawig sa martial law sa Mindanao na nakapaloob sa joint resolution No. 16 ng Kongreso dahil hindi naman nagpapatuloy ang rebelyon sa Mindanao at hindi rin nanganganib ang kaligtasan ng publiko. ()