Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Oranza gold sa PhilCycling

0 38

Winalis ng Philippine Navy Standard Insurance ang men’s massed start sa 1-2-3 finish nina Ronald Oranza, George Luis Oconer at Ronald Lomotos sa wakas ng 2021 PhilCycling National Trials Linggo ng hapon sa Clark Freeport Zone sa Subic, Zambales.

Binalewala ni Oranza ang cramps sa magkabilang hita mula sa tatlong beses na break-away bago kumawala sa huling walong kilometro upang masungkit ang PH team slot sa karerahang mga hatid ng Smart at MVP Sports Foundation.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagtala siya 3 oras, 18 minuto at 25.80 segundo habang si Oconer ay may 3:18:32.15 at si Lomotos ay 3:18:25.23 sa padyakang mga sinuportahan ng Go for Gold, Chooks-to-Go, GAC Motor, Gatorade, Versa, 7-Eleven, Le Tour de Filipinas, 7-Eleven, UBE Express Inc., Powerade, Wilkins, Coca-Cola, Shimano, Bike-X at MadCrank.

Inorganisa ito ng PhilCycling na pinamumunuan ni Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino, na siya ring pangulo ng Philippine Olympic Committee. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.