Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Oranza, Navy lalayo pa

0 196

Lalayo pa si Ronald Oranza at ang kinaaanibang Navy Standard Insurance sa individual at team classification sa asintang mga titulo pagsikad ng krusyal na una sa huling apat na yugto na lang pero puro akyatin simula sa Stage 7 180.4km ng P3.5M 11th LBC Ronda Pilipinas 2022 na pakakawalan sa Tarlac City at matatapos sa Baler, Aurora ngayong Huwebes ng alas-9:00 ng umaga.

Pagkapagpahinga Miyerkoles, sisikapin ni Oranza na kipkipin ang liderato o pagsusuot pa rin ng red jersey sa harap ng mga hamon sa pag-ahon sa mga bundok mula nang manguna at agawin ang lead sa Stage Six laban kay Jonel Carcueva ng Go for Gold noong Martes.

SM food to go Banner Ad

May 18:46:04 clocking siya habang ang nalaglag sa terserang si Carcueva mayroong 18:49:01. Si Jan Paul Morales ng Excellent Noodles at humawak ng No. 1 mula Stage One hanggang Four bago inagaw ni Carcueva sa Stage Five, ang nasa No. 2 sa 18:46:46.

Nangunguna rin ang Navymen sa team sa time na 53:41.57, lamang ng 8:31 sa Excellent Noodles, kasunod ang GfG na 18:27 behind. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.