Abante Tonite Interactive

Oras ng christmas traffic inilabas ng Waze

211

Naglabas ang Waze ng mga oras kung kailan dumadami ang lumalabas na driver na sanhi nang pagbigat ang daloy ng trapiko ngayon Christmas season.

Layunin nito na makaiwas ang publiko sa mabigat na daloy ng trapiko sa mga lansangan.

Sa ipinalabas na statement ng Waze, magkakaroon ng pagbigat ng trapiko dahil sa dami ng driver na lumalabas mula alas 7 ng umaga at ang pinakamabigat na trapik ay mararanasan sa pagitan ng alas 5-6 ng gabi.

Kapag weekend ,magsisimula ang pagsikip ng trapik mula alas -10:00 ng umaga kung saan ang pinakamabigat na trapik ay mararanasan sa pagitan ng alas- 2:00 ng hapon hanggang alas- 5:00 ng hapon.

Ayon sa Waze, mas nagmamaneho ng matagal ngayon Christmas season ang mga tao para sa pamimili, pakikipagsaya sa mga kaibigan.

Sa katunayan, sa pagsa-shopping lamang, naitala sa apps na may 2 milyon ang kumukuha ng navigation update sa loob ng isang buwan. (Juliet de Loza-Cudia)