Abante Tonite Interactive

Oras ng praktis ng bataan ni Guiao humaba

PUMAPABOR!

By
842

Problemado si coach Yeng Guiao dahil 50 mi­nutes lang ang laan na oras para makapag-praktis ang Team Pilipinas sa Gor Pulo Gadung gym sa Jakarta.

Kailangan nila ng mas mahabang oras lalo’t ipapagamay pa kay Fil-Am Jordan Clarkson ang sistema ni Guiao at ng team.

Sa Martes unang sasalang ang Cleveland Cavaliers guard para sa Pilipinas sa Asian Games kontra China.

Nang malaman ang problema ni Guiao, agad gumawa ng paraan ang Filipino community sa Jakarta sa pangunguna nina Karl Ryan Osiang­ Romblon at Vince Chacon, dalawang guro na higit 10 taon nang nagtuturo sa Indonesia.

Kinausap ni Chacon ang sports administrator ng pinagtuturuang Mentari Intercultural School Jakarta sa Sekolah Pelita Harapan Kemang Village para makipagkoordinasyon kung puwedeng magamit ang gym sa praktis ng PH men’s basketball team.

Pumayag ang eskuwelahan, available naman ang gym at nagawang makapagpraktis ang Nationals.

“Nahalata n’yo nga­yon ‘di tayo nagmamadali tsaka relaxed ‘yung atmosphere, ‘di kamukha nung 50 minutes lang ‘yung praktis natin, nagmamadali ka talaga and you can’t get the usual repetitions and the attention to detail that you want,” ani Guiao.

Nakapag-ensayo nang maayos ang Filipinos, nilubos na ng Filipino community ang tulong dahil balak pang bigyan ng dinner o lunch ang national team.

“Ngayon one-hour-and-a-half tayo, actua­lly magtu-two hours na tayo, walang nagpapaalis sa atin sa gym. Ang la­king pasasalamat sa mga Pinoy dito sa Indonesia,” dagdag ni Guiao. “I think they’re also preparing lunch o dinner for the whole team, makasama ‘yung Filipino community in general.” ()