Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Orcollo ‘di luhaan sa Gibraltar

0 33

Nabigong mabawi ni Dennis Orcollo ang titulo ng 28th World Pool Masters 2022 nang tumaob kontra sa kalaunan nagharing si Joshua Filler ng Germany, 0-7, sa quarterfinals sa Europa Point Sports Park sa Gibraltar.

Bago tumiklop, dinispatsa ng Pinoy cue artist mula sa Bislig sina Eklent Kaci ng Albania, 7-4, sa preliminary at 2021 champion Alex Kazakis ng Greece, 7-0, sa Table of 16 sa 4-day cuefest nitong Mayo 5-8.

SM food to go Banner Ad

Pero ‘di bokyang uuwi si Orcollo dahil nabiyayaan pa rin ng premyong US$3,750 (P197K) sa torneong pinagharian na rin niya noong 2010 nang sumargo sa Las Vegas, Nevada. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.