Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Order ni Cone sa Gins balik praktis

0 233

TAKBUHAN AGAD!

Gustong sagarin agad ni coach Tim Cone ang kanyang players kapag nakapag-ensayo na nang sabay-sabay ang Ginebra.

“I’m gonna make them sprint up and down the floor,” wika ni Cone. “Kill ‘em right away.”

Sa loob ng halos apat na buwan nang lockdown dahil sa coronavirus, hindi rin nagkabungguang-siko ang Gin Kings.

Isinara ang gyms at practice facilities, sa mga chat groups at sa sama-samang pamimigay ng relief at ayuda lang sila nagkakakitaan.

Gigil na silang bumalik ng court.

“That’s the thing they miss the most, being back together again and doing something you love to do,” dagdag ni Cone kamakalawa, ayon sa PBA website.

Pinayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang players na mag-workout na, pero hindi pa sabay-sabay.

Base sa mahigpit na health protocol ng liga, tig-apat na players, isang health officer at isang trainer lang ang papasok ng facility. Pagkatapos ng workout, labas agad ang mga ito at papasok ang susunod na batch.

Makikipag-meeting muna si commissioner Willie Marcial sa coaches at team managers ngayong Biyernes. Isusunod ang meeting din ng Board.

Pagkatapos ay puwede nang ilarga ang workout na wala munang scrimmages. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.