Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Oribiana klinaro papel ni Garcia

0 92

Nilinaw ng Rain or Shine management na si bagong coach Chris Gavina ang gagawa ng play at magbibigay ng instructions para sa Elasto Painters sa 46th PBA Philippine Cup simula sa April 9,habang si active consultant Caloy Garcia ay parte ng Philippine men’s basketball training team program.

Ipinaliwanag Lunes ni ROS Alternate Governor Edison Oribiana, na si Gavina ang hahawak sa “micro” management ng koponan habang si Garcia naman ang sa “macro” management dahil na rin sa oras na kanyang gugugulin para sa training at actual competition ng PH squad sa tatlong taon.

“It means he will have less time to personally supervise the training and development of his mother team and with the unpredictable schedule of the tournaments there will be conflicts even with actual games of the PBA. We can’t tell him to just politely beg off because we are also an ardent supporter of our National Team ever since,” esplika ng opisyal.

Hinirit pa ni Oribiana na pinagpasyahan ng pangasiwaan ang designasyon ni Garcia, sa pangunguna nina co-team owner Raymond Yu at Terry Que. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.