Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Oriental Mindoro cong, misis virus survivor

0 45

Inilahad ni House Deputy Speaker Doy Leachon na siya at ang kanyang misis ay dinapuan ng COVID-19 subalit nakarekober na rin sa naturang sakit.

“Ngayon ko po sasabihin na di biro ang #COVID-19. Wag nating biruin. Wag nating ipawalang bahala. Dahil di po biro ang aking dinanas.. anong takot ko nang wala na ako pang-amoy kahit sa perfume, lalo na si RL na halos 6 na araw na may lagnat at sobrang nahirapan na nakita mismo ng mga mata ko. Hindi mawala-wala ang lagnat kahit umiinom ng gamot,” lahad ng mambabatas sa kanyang Facebook post.

Si Leachon ang kinatawan sa Kongreso mula sa unang distrito ng Oriental Mindoro.

Negatibo naman aniya sa COVID ang tatlo nilang anak at iba pang kasama sa bahay.

Labis-labis ang pasasalamat ni Leachon dahil naka-survive silang mag-asawa sa COVID.

Leave A Reply

Your email address will not be published.