Abante Tonite Interactive

Orig na Kuya Escort Greg itinuring na patay ni Ion

752

tonite-this-is-it-roldan-castro

Ewan kung matutuwa o maiinis ang mga Gregnatics sa reaksyon ni Ion Perez nang tanungin sa “Tonight With Boy Abunda.” Ito’y tungkol kay Greg na naunang maging Kuya Escort kesa sa kanya sa “It’s Showtime.”
Halatang hindi maru­nong si Ion sa pagsagot. Maling words ang ginamit niya.
Sabi niya, sana raw masaya si Greg kung saan man siya ngayon. Parang mensahe sa patay na, ha! ha! ha!
Anyway, natutuwa ang manager ni Greg na si Lito de Guzman dahil ina-acknowledge ng TWBA at “Rated K” si Greg bilang orig na Kuya Escort?
How true na  may offer na ngayon si Greg sa kalabang programa pero hinihintay pa ang final decision ni Boss Vic?
Anyway, may ginagawang serye si Greg sa Sari Sari channel na “Illegal Mistress” with Meg Imperial.
Nag-shoot na rin siya para sa endorsement niya sa Erase Plantcenta at nag-iikot siya sa meet and greet ng  Urban Generation.
Talbog!

Rhea Tan Outstanding Professional 2018

Congrats kay Ms. Rhea Tan dahil Superbrand Awardee siya bilang Outstanding Professional 2018. Siya ay CEO at President ng Beautederm.
Bongga ring nairaos ang Luxe Beautecon 2018 ng kompanya niya sa Widus Hotel. sa  Clark na dinaluhan BeauteDerm ambassadors mula sa showbiz at politika.
Ang Luxe Beautecon ang culmination ng national convention ng mga distributors at resellers ng BeauteDerm kung saan naging guest speakers sina Boy Abunda, Francis Kong at Chinkee Tan.
Isinabay ang mala­king selebrasyon ng kaarawan niya nang gabing ‘yun sa Grand Ballroom ng Clark Marriott Hotel sa Mabalacat, Pampanga.
Bukod tanging si ­Marian Rivera ang wala. Kabilang sa celebrity ambassadors na dumalo ay sina Sylvia Sanchez, Arjo Atayde, Carlo Aquino, Matt Evans, Glydel Mercado, Tonton Gutierrez, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Maricel Morales, Alma Concepcion, Sherilyn Reyes, Shyr Valdez, Jestoni Alarcon, Kitkat, Boobay, Alynna, Luke Mejares, Dessa, Jinky Vidal, Anne Feo, Darla Sauler, at Risa Caldoza.
Nakisaya rin ang ­ambassadors mula sa politika na sina Bulacan Board Member-actor Alex Castro Migz Magsaysay, dating San Juan City councilor Jana Ejercito, at Muntinlupa City councilor Stephanie Teves.
“BeauteDerm began as a dream that turned into a vision and now a reality. All of these has become possible because of the overwhelming amount of love, support, and trust that everyone has showed me since day one.
It is with humble heart that I send back with gratitude to everyone who contributed to BeauteDerm’s success. This year BeauteDerm’s growth has been exponential. I still can’t believe that I have reached this point, our first ever Beautecon. I have always believed that credit should be given where it’s due. As we gathered to celebrate excellence and unity, I want to recognize everyone’s hard work. I want to take this opportunity to let everyone know how thankful I am for everything that has happened,” deklara niya.
Inilunsad din ang BeauteDerm ContriBEAUT Foundation na layuning makatulong sa mga nanga­ngailangan.
Kabilang na sa mga natulungan nito ang Make Your Nanay Proud Foundation ni Boy Abunda at ang Kasuso Foundation para sa mga may breast cancer ni Ogie Diaz. Nagsagawa na rin sila ng feeding program sa mga estudyante at bumisita rin sa home for the aged. Magbibigay din sila ng scho­larship sa mga deserving student.