Abante Tonite Interactive

Orig na Kuya Escort ng ‘It’s Showtime inalok ng ‘Eat Bulaga’

By
0 820

Nilinaw ni Greg Hawkins na hindi siya nai- insecure kay Ion Perez, ang kasalukuyang Kuya Escort ng Kapamilya noontime variety show na “It’s Showtime.”

“I like him. He’s such a cool guy. I wish him the best,” aniya nang du­malaw siya sa Tambayan ng Tsika, online show ng Abante Tonite.
Excited naman siya dahil sumabak na rin siya sa pag-arte. Leading man siya sa pelikulang ‘Illegal Mistress’ kasama si Meg Imperial.
Sey pa niya, bilib daw siya sa galing at professiona­lism nito bilang aktres.

Marami rin daw siyang natutunan dito pagdating sa pag-arte.

Ayaw naman niyang magsalita tungkol sa isyung may offer sa kanyang mag-appear bilang regular sa “Eat Bulaga,” ang kalabang programa ng “It’s Showtime” kung saan siya nakilala bilang original Kuya Escort.