Orle, Pantone bibida sa Fibr

606

Magiging pangunahing alas sina French import Maeve Orle at legendary libero ­Lizlee Ann ‘Tatan’ Gata-Pantone habang si ­Rogelio ‘Roger’ Gorayeb pa rin ang titimon para sa PLDT Home Fibr sa parating na 8th Philippine SuperLiga Grand Prix 2020.

Hangad ng Power Hitters na mapantayan, hindi man malampasan ang bronze medal ­finish dito sa nakaraang taon sa pagbabalik pa rin nina Vira May ­Guillem, Aiko Urdas, Shola ­Alvarez, Jorelle Singh, Rysabelle Devanedera, Kath Villegas, Joyce Sta. Rita, at Alyssa Eroa.

Nabuo sa team ang mga bagong recruit na sina Jan Andrea Morano, Necelle Mae Gual, Menchie Tubiera, Sheeeka Gin ­Espinosa sa pagrelyebo sa mga naglahong sina ­Grethcel Soltones, Jerrili Malabanan at Jasmine Nabor.

Pumang-anim at panlima lang ang team sa all-Filipino at Invitational, ayon sa pagkakasunod.

Kasabay nito, ipinahayag ni Clint Malazo na si veteran coach Go­rayeb pa rin ang mamando sa koponan sa kabila na siya ang namamahala sa ngayon sa trainings at drills.

“Okay naman na siya, nagre-recover naman na siya,” kuwento ng PLDT assistant coach sa paghananda ng team para sa pagbubukas ng women’s indoor volleyfest sa Pebrero 29.

Na-diagnose na may multiple myeloma si Gorayeb sa nakalipas na taon at patuloy pang sumasailalim sa kasalukuyan sa chemotherapy sessions. Siya ang nasa bench ng team sapul pa noong 2018.

“By March. Baka sa first game puwede na rin siya, “ hirit ng Power Hitters assistant coach. (Janiel Abby Toralba)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...