Abante Tonite Interactive

Ormoc Airport, tigil-operasyon

By
12

Pansamantalang tigil sa flight operation ang Ormoc City Airport sa lalawigan ng Leyte dahil nagkabitak-bitak ang dulo ng runway dahil sa pagtama ng magnitude 6.5 na lindol nitong Huwebes ng hapon.

Ayon sa ulat na natanggap ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Ormoc Airport area manager na si Danilo Abareta, ang Ormoc Airport runway 36/18 ay nagkaroon ng mga bitak dahil sa malakas na lindo.

Sa rekomendasyon ng CAAP, kailangan munang ayusin ang mga nasirang bahagi ng runway bago muling buksan ang paliparan.

Abante Hiring – IT dep

Sa advisory ng budget carrier ng Cebu Pacific, kanselado ang kanilang mga flights sa Ormoc-Cebu route na simula ngayong araw, July 7 hanggang July 9, 2017.