Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ormoc lifting center bubuksan

0 105

Babasbasan at bubuksan ngayong Sabado ng alas-10:00 nang umaga ang Ormoc Weightlifting Association, Inc. Weightlifting Training Center sa Ormoc City Sports Complex tampok ang video greetings ni OWA Program Ambassador Hidilyn Diaz mula sa Malaysia training camp niya, at inspirational messages ng mag-asawang Ormoc Mayor Richard at Leyte 4th Dist. Rep. Lucy Gomez, at Vice Mayor Leo Carmelo Locsin Jr.

Si OWA President Bernandino Tacoy ang may welcome remarks, at si Secretary General at international referee Jude S. Sulla ang magsisiwalat sa pagkakabuo ng OWA.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasama rin sila sa mga ipapakilalang OWA board members/appointed officials tulad nina Vice President Dinvir Revita, Treasurer Emmanuel Arpon, Board Members Troy Bumagat, Rhodor Salva at Byron Joemel Rojas, at Project Director Ganna Athena Gantuangco.

Pagkatapos ng lunch, may seminar-workshop sa Olympic weightlifting, paglilinaw sa mga maling akala sa sport, at snatch at clean and jerk execution o weightlifting exhibition.(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.