Abante Tonite Interactive

Ortuoste, Taming bet ng sepak takraw

298

Magiging sobrang abala ang Philippine national men’s and women’s sepak takraw na may ayuda sa Go For Gold at Philippine Sports Commission sa misyong masakote ang gold medal sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa.

Sisimulan ng 2016 world men’s champions ang paglalakbay sa pagsabak sa 11th Arafura Games 2019 sa Darwin, Australia sa Abril 26-Mayo na rito’y kabangga ang mga astig na team sa daigdig.

“The key is to expose our players to as many overseas tournaments as we can for them to gain more experience against a variety of opponents,’’ pahayag kahapon ni Pilipinas Sepak Takraw Association Inc. president Karen Tanchanco-Caballero.

Abante Hiring – IT dep

Suportado ang koponan sa AG at sa SEA Games na susulong naman sa Nobyembre 30-Disyembre 11 sa Clark, Subic at iba pang parte ng Metro Manila nina Go For Gold godfather Jeremy Go at PSC Chairman William Ramirez.