Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Osaka kampi kay Giannis

0 147

Umabot hanggang tennis ang aftershock ng pagbo-boycott ng players sa NBA playoffs sa Orlando bubble sa Florida.

Tigil din ng isang araw ang WTA Western & Southern Open nang mag-withdraw si world No. 10 Naomi Osaka ng Japan sa kanyang semifinal match laban kay Belgian Elise Mertens nitong Miyerkoles sa New York.

Sa parehong quarantine bubble din lalaruin ang US Open umpisa sa Lunes.

“Before I am an athlete, I am a black woman,” post ni Osaka sa Twitter. “And as a black woman I feel as though there are much more important matters at hand that need immediate attention, rather than watching me play tennis.”

Umani ng suporta at paghanga mula sa mga kapwa-tennis players ang ginawa ng two-time Grand Slam champion na si Osaka.

Nag-boycott ang Milwaukee Bucks sa pangunguna ni star Giannis Antetokounmpo sa Game 5 ng first-round series nila ng Orlando Magic nitong Miyerkoles, kinansela na rin ng NBA ang Lakers-Blazers at Rockets-Thunder games.

Sumunod din ilang sandal ang WNBA, MLB at MLS.

Protesta ito ng players sa pamamaril ng pulisya kay Jacob Blake sa Kenosha, Wisconson. Pitong tama ang inabot ni Blake, 29, sa likod habang papasok ng kanyang sasakyan na kinaroroonan ng tatlong anak. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.