Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Osaka vs Azarenka sa US open finals

0 45

Hindi nasayang ang pitong face masks na bitbit ni Naomi Osaka sa New York, hanggang panghuli ay magagamit na niya.

Balik sa US Open final ang 2018 champion matapos igapang ang 7-6, 3-6, 6-3 panalo kay Jennifer Brady sa semis nitong Huwebes.

Isang mask bawat match, walang tapon sa baon ni Osaka. Bawat mask ay may pangalan ng mga biktima ng police brutality at social injustice.

“It means a lot for me,” ani Osaka sa balik niya sa US Open final. “I kind of consider New York my second home. I really love the atmosphere even though sadly there’s no people here.”

Makikita ng mundo ang Mask No. 7 sa final laban kay Victoria Azarenka bukas.

Kinumpleto ni Azarenka ang matinding comeback laban kay Serena Williams1-6, 6-3, 6-3 sa kabilang final four match.

Sibak si Serena matapos magmukhang abutin ng foot o ankle injury sa kaagahan ng third set. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.