Abante Tonite Interactive

Osang nakapagpundar ng bagong sasakyan

356

Muling lumalagablab ang karera ng dating sexy star na si Rosanna Roces. Halos pasulpot-sulpot din sa industriya ang aktres na kilala rin sa pangalang “Osang”.

Ngayon ay sunod-sunod nga ang naging proyekto niya sa ABS-CBN. Malaki ang pasasalamat niya sa direktor na si Ruel Bayani sa pagtanggap sa katulad niya na minsan na ring naligaw ang landas.

Masayang ibinahagi ni Osang sa Facebook ang bahagi ng kanyang pagbangon. Ipinost niya ang bagong sasakyan na Toyota Fortuner na naging katas ng kanyang pagbabalik sa showbiz.

“Thank You Lord Thank You Ruel Bayani nakakapundar na ulit,” caption niya sa larawan na may hashtag pa na “blessing” at “grateful”.

Marami ang naging proud sa aktres at malaking bahagi ang asawa na si Blessy Arias sa kanyang pagbangon. Mukhang nagkaroon ng direksyon ang kanyang buhay nang magkabalikan sila nito at ikasal noong 2016.

Para siyang nabigyan ng second chance at muling sinuwerte sa karera. (Rona Ronda)