Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ospital na may kaso sa Philhealth pipigain sa Kamara

0 180

Ang mga ospital na may nakabinbing kaso sa PhilHealth ay ipapatawag na sa ginagawang imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa katiwalian sa naturang ahensiya.

Ayon kay Anakalusugan party-list Rep. Michael Defensor, chair ng house committee on public accounts, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng komite sa Huwebes, ipapatawag nila ang mga opisyal ng 18 ospital na nahaharap sa kasong fraud sa philhealth. Nagsimula ang kaso taong 2013 hanggang 2019.

SM food to go Banner Ad

“Ipapatawag natin ang mga ospital na ito sa next hearing on Thursday Pinakamababa po diyan ay may dalawang kaso. Iyong iba, more than 10 cases,” ayon kay Defensor.

Kabilang sa mga ospital na ito ang Abra Provincial Hospital, Baguio General Hospital, Benguet General Hospital, Cagayan de Oro Maternity at Childrens Hospital, Divine Word Hospital, Domingo Casano Hospital, Butuan Doctors Hospital and College, University of Perpetual Help Medical Center, Pines City Doctors Hospital, Quezon City Eye Center, at Pacific Eye Institute. (Eralyn Corvera Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.