Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ospital ng Maynila sinara: 15 staff positibo sa virus

0 255

Pansamantalang ipinasara ni Mayor Isko Moreno ang Ospital ng Maynila matapos na magpositibo sa COVID-19 ang 15 health worker nito.

Nabatid kay Moreno na simula ngayon Biyernes, Hulyo 31, hanggang Agosto 9 sarado ang pagamutan upang bigyan daan din ang mga sanitation activity at pagtukoy sa mga health care worker nan a-expose din sa COVID-19.

Ayon kay Moreno, importante na ang mga health care worker ng pamahalaang lungsod ay malusog sa pisikal, emosyunal at sikolohikal na aspeto nito.

“Para maka-focus na maalagaan ang kalusugan ng mga frontliners natin sa medical sector, (the task) is to really stop the continuing contagion among theirselves,” ayon sa alkalde.

Nabatid kay Moreno na 15 na medical worker ng Ospital ng Maynila ang nagpositibo sa COVID habang 32 ang naghihintay ng resulta ng kanilang test.

Nalaman na may 58 na indibidwal ang close contact ng mga kumpirmadong kaso.

Lahat ng serbisyo ng Ospital ng Maynila ay suspindido maliban sa mga laboratory operation (daily swabbing at IgG Serology), radiology, animal bite treatment center (follow-up lamang), extreme emergency, at telemedicine.

Habang ang mga naka-confined na sa ospital ay patuloy na pangangalagaan ng mga staff pero ang mga incoming patient ay ire-refer na lang sa ibang pagamutan na pag-aari ng lungsod. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.