Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ospital ng Muntinlupa, EAMC apaw na virus patient

0 565

Inanunsyo ni Mayor Jaime Fresnedi nitong Biyernes na puno na rin ang Ospital ng Muntinlupa at wala na silang espasyo at kagamitan para tumanggap ng mga bagong pasyenteng may COVID-19.

Subalit nilinaw din ng alkalde na mananatiling bukas ang kanilang ospital para magserbisyo sa iba pang may sakit o karamdaman.

“Bagamat maaga ang naging paghahanda — nagdagdag ng manpower at kagamitan, nag-augment ng bed capacity, ginawang prayoridad ang COVID-19 treatment — naabot na rin po ng ating ospital ang full bed capacity para sa coronavirus patients,” pahayag ni Fresnedi sa Facebook page ng lungsod.

Inihayag naman ni East Avenue Medical Center (EAMC) spokesperson Dr.

Dennis Ordoña na nasa critical level na ang bilang ng mga COVID patient sa kanilang ospital.

Sa panayam kay Ordoña sa radyo, sinabi nitong umabot na sa 90% ng bed capacity nila ang okupado kung kaya’t ginamit na rin ang ibang ward para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Hindi aniya puwedeng i-convert para sa mga COVID-19 patient ang iba pa nilang pasilidad dahil mayroon pa silang 3,000 pasyente na nagtataglay ng ibang karamdaman.(Mia Billones/Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.