Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ospital sa Malabon, sinisi sa pagkaka-lockdown ng Jaen, NE

0 530

Nararapat umanong sisihin ang ospital sa Malabon City na nag-release ng isang bangkay na hindi pa lumalabas ang resulta ng Covid test nito na humantong sa pagkaka-lockdown sa Brgy. San Roque, Jaen, Nueva Ecija ng 5 araw makaraang magpositibo ito.

Ito ang pahayag ni San Antonio, NE Mayor Arvin Salonga makaraang ilarawan ang naturang pangyayari.

Matatandaang isang 47 anyos na tindero mula Panghulo, Malabon City ay sumakabilang buhay noong Hunyo 23 sa San Lorenzo Ruiz, Malabon City makaraang manakit umano ang lalamunan at nahirapan sa paghinga.

Nakasaad umano sa death certificate nito na cause of death ay aspiration pneumonia 2-3 hours cerebrovascular accident.

Ang nasawi ay iniuwi ng mga kaanak sa Jaen at doon inembalsamo at ibinurol ng 3 araw.

Isang oras bago ilibing noong Hunyo 26 ng hapon nang marating umano ang ulat na positibo ang resulta sa isinagawang pagsusuri nito sa COVID.

Ayon kay Jaen Mayor Sylvia Austria, dapat umano sanang hindi muna ini-release ang bangkay hanggang wala ang resulta.

Leave A Reply

Your email address will not be published.