Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OT pay sa mga titser hinirit

0 115

Iginit ni ACT Teachers Rep. France Castro ang pagbibigay ng overtime pay sa mga guro sa distance learning.

Ayon kay Castro, hindi madali ang isang distance learning kung saan obligado ang mga guro na pahabain ang kanilang workloads na lampas lampas sa kanilang working hours at kahit Sabado, Linggo at holidays ay kailangan nilang mag-duty.

“The numerous reports received by the Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines are alarming, teachers are getting burned out and physically ill, and are in extreme exhaustion due to heavier workloads and longer hours under the distant learning scheme,” ayon kay Castro.

Dahil dito, giit ni Castro, “We demand an overtime pay for any work done beyond the legally allotted 8-hours/day, 5-days/week. Any work done beyond these hours and beyond the job description of teachers should be adequately compensated.”

Doble umano ang hawak ngayon ng mga guro na bilang ng estudyante kumpara sa nakaraang school years dahil bukod sa normal 50-60 student capacity kada subject para sa kada grade level, kailangan pa nilang bumuo ng group chat para sa magulang ng mga estudyante upang bigyan ng gabay at para gagawing weekly feedback sessions sa kanila. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.