Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OTB station bubuksan na

0 106

PINAYAGAN na mag-operate ang mga Off-Track Betting (OTB) station pero hindi lahat ay makakapagbukas ngayong araw ng karera.

Ito ay dahil may mga guideline pa na susundin sa pagtaya sa OTB ang mga karerista.

Noong Biyernes ay hinayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbubukas ng mga off-track horse race.

Kailangan lamang na sumunod sa safety protocols na nakasaad, sa pagtaya ay kailangan nakasuot ng face mask at face shield at may social distancing.

Pagkatapos tumaya ay agad na lilisanin ang lugar at sa bahay panonoorin ang mga takbo.

Limitado ang oras ng pagtaya kaya naman upang maiwas sa mahabang pila ay magsasagawa ang Philippine Racing Commission (Philracom) ng advance betting. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.