Abante Tonite Interactive

Otso Diretso sa door-to-door campaign magpapakilala

Aminado ang Otso Diretso na binubuo sila ng ilang baguhan sa politika at minimal lamang ang mapagkukunan nilang pondo para sa nationwide campaign pero hindi umano hadlang ito para isulong at ipakilala sa publiko ang kanilang mga senatorial candidate.

By
238

Isa sa mga naisip na estratehiya ng Otso Diretso, ayon kay Senador Francis ‘Kiko’ Pangi­linan ay ang house-to-house campaign.

Ayon kay Pangi­linan, campaign ma­nager ng koalisyon ng mga kandidato ng oposisyon, dahil ang pagpapabuti sa kapa­kanan ng bawat pamil­yang Pilipino ang sentro ng kanilang le­gislative agenda, mas naaayon aniya ang house-to-house campaign na hindi pa nangyayari sa kasaysayan ng pangangampanya sa bansa.

Naniniwala ang senador na sa ganitong paraan ay makikilala ng higit ng mga botante ang tunay na nararapat ipuwesto sa Senado.

“This campaign strategy of going house-to-house is a game-changer. It has not been done on a national scale,” ani Pangi­linan.

Aniya, literal na kakatok sa bahay ng mga botante ang senato­rial slate ng Otso Diretso sa buong bansa para makinig sa hinaing ng mga tao.