Abante Tonite Interactive

Oust plot kay Andaya dinedma ni Gloria

By
202

LUBAO, PAMPANGA – Binalewala lamang ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso nitong Biyernes ang panawagan ni Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund Villafuerte na pagpapatalsik sa kanyang mortal na kaaway na si House Majority Floor Leader Rolando Andaya Jr. bilang pinuno ng mayorya sa Kamara.

Ayon kay dating Pangulo at ngayo’y Speaker Gloria Macapagal Arroyo, karamihan ng mga miyembro ng Super Majority Bloc sa Kamara ay tiwala pa rin sa pamumuno ni Andaya bilang pinuno ng makapangyarihang House Committee on Rules.
“Well I don’t know how many congressmen shared that sentiment as far as I can see the majority still supports the incumbent,” paliwanag ni Ginang Arroyo.

“I am only one vote and I still vote for Nonoy. I exercise democracy, I am open-minded,” sabi ni Arroyo.