Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Out-patient’ pinasara sa dami ng COVID positive

0 172

Dahil sa pagdami ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 na dinadala sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Reasearch and Medical Center (PJGMRMC) sa Cabanatuan City, minabuting ipasara muna ang Out-Patient Department ng naturang pagamutan simula kahapon, Abril 5.

Ayon kay Dr. Hubert Lapuz, hospital director, pinayuhan ang mga pupunta sa OPD na makipag-ugnayan na lamang muna sa PJG telehealth.Pero pinayuhan ang mga nangangailangan ng agarang seryosong pagtingin na nararapat madala agad sa emergency ng PJG, ang COVID-19 referral hospital sa Nueva Ecija.

Ito ay kasabay ng pagsirit sa 924 confirmed case sa Cabanatuan City na hanggang kahapon ay may 159 na aktibong kaso. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.