Abante Tonite Interactive

Out si Sarah: Daniel jowa of the year

0 917

NI: ALWIN IGNACIO

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, naging number one trending topic ang bagong Mrs. Guidicelli, si Sarah Geronimo. Siyempre pa, my imagination went ballistic kaya bago ako manalig sa hinuha ko na kaya siya pinag-uusapan ng pangmalakasan ay dahil baka buntis na ito, sinaliksik ko sa Twitter pati na rin sa Instagram kung tama ba ang aking kutob na possible naman talaga at ito nga ba ang dahilan kaya siya ang sinasabing “jowa of the year” na super trending rin na hashtag.

Ang totoo, hindi pa pala siya buntis. Pero hindi pwedeng ikaila na super blooming ang asawa ni Papa Matteo na sa true lang, kahit walang hint of make up o polbo man lamang, pag inyong tinitigang maigi ang larawan nilang mag-asawa, in fair Verona, kay ganda-ganda niya talaga, ang look of love ay nasa mata nina Signiore at Signiorina Guidicelli.

Ang kanyang mga panatiko ang dahilan kaya siya nag-trending dahil miss na miss na nila ito, lalo na ang judging stint ni Sarah sa singing contest na nawala sa ere. Kung kailan ito babalik? Isang malaking malay ko, malay mo, malay nating lahat lalo na nga’t mahaba-habang usapin pa ang to give or not to give ABS-CBN a 25-year franchise sa Kongreso.

Hindi rin naman pala siya ang pinatutungkulang “jowa of the year” although she so deserves it as well lalo na nga’t hinimok niya ang lahat masunod lang ang sinisigaw ng kanyang puso. Ang title ay para pala kay Daniel Padilla na may bonggang-bongga ang pagiging knight in shining armor para kay Kathryn Bernardo dahil to the rescue ito, agad-agad sa kasintahan matapos walang patumangga ang bashing at cursing sa kanyang inamorata.

Well, hindi pa siguro ngayon, malalaman naman natin sa tamang panahon kung magkakaanak na nga sina Sarah at Matteo. Wishful thinking naman nating lahat na magka-baby na ang newly-weds, hindi ba naman? Kaya sa sure akong walang masyadong magdadabog ang bangs at mapopoot na ang akala ko kaya trending topic si Sarah ay dahil nanay na siya, huh!

Ay! Baka may isang nanay lang na ma-shookt kung saka-sakaling buntis na nga si Sarah, at hindi niyo na kailangan pang tanungin sina Hanz Sy at Maritess Allen kung sino ang mader na ito lalo na nga’t ang galing-galing nilang mag-predict tungkol sa kung ano-anong mga elementong pampaswerte, huh!

Tonite – Wendys Inhouse Ad