Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Outing ng magdyowa nauwi sa trahedya

0 147

Humantong sa trahedya ang outing ng isang mag-asawa nang pag-uwi ay salpukin ang sinasakyan nilang motorsiklo sa karambola ng mga sasakyan sa Barangay Tinaan, Naga City, Cebu nitong Linggo ng tanghali.

Kinilala ang mag-asawa na sina Julian at Perelyn Dosdos ng Capitol Site, Cebu City, kapwa 40-anyos na kapwa nasawi nang mapitpit sa pagitan ng bus at trailer truck, ayon sa ulat ng Naga City Police Station.

Nabatid na pauwi na ang mag-asawa galling sa outing sa isang resort sa Naga City nang mangyari ang trahedya.

Lumalabas na nakahinto ang mag-asawa habang kumakaliwa ang isang trailer truck nang salpukin ng minimus ang kanilang sinasakyang motorsiklo kaya lumipad ito sa trailer truck at naipit sa kasunod na bus na naging dahilan ng kamatayan ng mag-asawa.

Maliban sa mag-asawa ay marami ring iniulat na sugatan sa nangyaring aksidente.

Leave A Reply

Your email address will not be published.