Abante Tonite Interactive

Overloading sanhi ng pagbagsak ng tulay sa Zamboanga

By
1,663

Nanindigan ang National Housing Authority (NHA) na overloading ang sanhi ng pagbagsak ng tulay sa Zamboanga City noong Abril kung saan nahulog ang ilang mambabatas na nagsasagawa noon ng inspeksyon sa low cost housing.

Ayon sa NHA, sa kanilang isinagawang im­bestigasyon ay lumilitaw na overloaded ang tulay na may kapasidad lamang na 7 hanggang 8 katao, nang manatili umano sa iisang lugar sa tulay ang grupo ng inspection team sa pangunguna ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez ay bumigay ang tulay dahil sa bigat.

“The number of people which converged on the two frame portion of the bridge numbered around 16 fully adult individuals, which is more than the maximum persons for the subject two frames of footbridge,” giit pa ng NHA.
Sa position paper na isinumite sa House committee on housing ng NHA-Zamboanga Office, ipinaliwanag nito na humina din ang tulay dahil nawala ang ilang structural components nito partikular ang cross bracings. Inaalis umano ng ilang residente ang cross bracing sa ilalim para magawa nilang mailagay ang kanilang bangka.

Ang kontrobersiyal na pagbagsak ng tulay noong Abril na ikinahulog ng ilang solon ay nag-viral sa social media.