Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Overpriced PPE lumobo sa P4B – Hontiveros

0 90

“Maaring mas mahigit pa sa isang bilyon ang nakuha sa kaban ng bayan. Higit sa isang bilyon na dapat ginamit na lang para sa ayuda, sa pagtaas ng sahod, at napakarami pang iba.”

Ito ang sinabi ni Senador Risa Hontiveros matapos ihayag ng Department of Budget and Management–Procurement Services (DBM-PS) na hindi nawalan ang gobyerno ng P1 bilyon dahil sa overpriced na mga personal protective equipment (PPE) set kung saan karamihan ay nabili sa mga Chinese company.

“The 1 billion-peso loss is even a conservative estimate,” sabi ni Hontiveros.

Batay umano sa second quarter report ng DBM noong Abril hanggang Mayo, umorder ang Department of Health (DOH) ng panibagong P5.1 milyong PPE set na nagkakahalaga ng P10 bilyon.

Nangangahulugan aniya nito na bumili ang DBM at DOH ng mga PPE set sa presyong P2,000 kada isa.

“However, also in May, the Palace reported that during their Inter-Agency Task Force meeting, the government procured PPE sets worth P1,100 each. There’s a huge discrepancy there. Where is the extra P900 going?” tanong ni Hontiveros.

“That’s around P4 billion worth of PPE sets that is unaccounted for. Mukhang may nagsasayang ng pera ng mamamayan. Mukhang may kumikita talaga,” dagdag nito.

Dismayado pa si Hontiveros dahil mas piniling bumili ng PPE sa China kaysa magpagawa na lang sa mga local manufacturer lalo na’t meron namang Confederation of Philippine Manufacturers of PPE (CPMP), isang grupo ng mga kompanyang Pinoy na puwede ring gumawa ng PPE.

Tiniyak ni Hontiveros na bubusisiin nito ang isyu sa budget hearing ng Senado. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.