‘Overworked’ Duterte ‘di nakadalo sa Boao forum

422

Nasa kanilang bahay sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte nang maganap ang magnitude 6.1 lindol, Lunes nang hapon, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

“He is not feeling well due to his punishing schedule and successive campaign sorties,” Panelo said in a message to reporters. “Yup that’s the reason. Overworked,” ani Panelo.

Ang Pangulo ang panauhing panda­ngal sa pagbubukas ng Boao Forum of Asia Manila Conference sa Shangri-la Fort, Taguig City, alas-6:30 nang gabi nitong Lunes pero dahil hindi maganda ang pakiramdam ng Pangulo ay si Executive Secretary Salvador Medialdea ang kumatawan sa kanya sa nasabing aktibidad.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na naging sunod-sunod ang aktibidad ni Pangulong Duterte nitong nakalipas na linggo kasama na ang pa­ngangampanya sa mga kandidato ng administrasyon kaya hindi maiwasang sumama ang pakiramdam nito. (Aileen Taliping)

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...