Abante Tonite Interactive

OWWA chief nagbabala sa mga shipping agency

1,068

Nagbabala kahapon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na kanilang isasapubliko ang pangalan ng mga licensed manning agency na inabandona ang kanilang mga marino sa Maynila sa gitna ng ipinatutupad na enhanced community quarantine.

“Sorry, but it has come to this. We heard some erring manning agencies have abandoned their seafarers in Manila,” ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac sa kanyang Twitter account.

“We will help our dear seafarers but make no mistake, we will start naming and shaming these manning agencies who choose to look the other way,” pahayag pa ni Cacdac.

Ayon kay Cacdac, kanilang iendorso ang mga manning agency sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa pagpapataw ng kaukulang multa, parusa at suspensiyon.

Base aniya sa POEA Memorandum Circular No. 08-2020, inaatasan ang mga manning agency na asistihan ang kanilang mga marino na ang mga flight schedule ay nakansela o ipinagpaliban ng kanilang mga employer/principal.

Dahil dito, stranded aniya ang mga marino sa Metro Manila dahil sa

Implementasyon ng enhanced community quarantine.

Nagpahayag naman ng kahandaan ang OWWA chief na tulungan ang mga marinong nangangailangan ng pagkain at matutulungan sa pamamagitan ng pagtawag sa hotline ng ahensyana 1348 para agad matulungan. (Armida Rico)

Tonite – Wendys Inhouse Ad