Abante Tonite
Mabilis sa Balita

OWWA sagot swab test ng mga OFW

0 351

Libre pa rin ang swab test para sa mga overseas Filipino worker (OFW) at bahalang gumastos muna para rito ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sasagutin muna ng OWWA ang gastos para sa swab test ng mga OFW dahil puwede naman itong i-reimburse sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

“Subject naman talaga po for reimbursement ng PhilHealth ang test to be given to OFWs, at lahat naman po ng mga private labs providers know how they can collect from PhilHealth,” paliwanag ni Roque.

Tinigil ng Philippine Red Cross ang swab test sa mga OFW at iba pang indibudwal matapos na lumobo ang utang sa kanila ng PhilHealth na umabot ng mahigit P930 milyon. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.