Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Oxygen sumabog sa COVID hospital, 82 todas

0 500

Pumalo na sa 82 ang death toll sa nangyaring sunog sa isang ospital sa Baghdad, Iraq nitong Sabado ng gabi.

Nangyari ang sunog sa Ibn Khatib Hospital kung saan may mga naka-admit na COVID-19 patient.

Bukod sa mga nasawi, tinatayang lampas 100 din ang nasugatan sa nangyaring insidente.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa mga report, nag-ugat ang sunog dahil sa pagsabog ng isang oxygen tank.

Kaagad namang nagpatawag ng imbestigasyon si Mustafa al-Kadhimi, Iraq prime minister, para masuri ang aksidente.

Ayon naman kay Gen Kadhim Bohan, head ng Iraq Civil Defense, nagsimula ang sunog sa intensive care unit ng ospital sa isang palapag para sa ‘pulmonary resuscitation’. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.