Abante Tonite Interactive

P 113M libro nakatambak sa bodega ng DepEd

0 320

Nasa P113 milyong halaga ng libro at mga teacher’ s manual ang hindi naipamahagi at nakatambak lang sa bodega ng Department of Educaiton (DepEd), ayon sa Commission on Audit (COA).

“DepEd has an alarming number of undistributed instructional materials amounting to P113,708,595 that were procured as buffer stock from (years) 2014 to 2017,” ayon sa 2018 audit report.

Ang nasabing mga instructional materials ay nadiskubre ng mga state auditor sa DepEd warehouse sa Taguig City. Taong 2014 pa umano naka-stock ang nasabing mga materyales at hindi na-distribute.

Ayon naman sa DepEd, ‘buffer stock’ umano ang mga ito na ginagamit na pamalit sa mga si­rang libro at mga pampuno sa tumataas na bilang ng mga mag-aaral.

Hindi umano tama ang ganitong sistema ng DepEd dahil tambak ang binibiling libro subalit hindi naman ipinamimigay sa mga estudyante.

Sa ilalim ng Presidential Decree No. 1445, pinagbabawal ng COA ang procurement ng mga “irregular, unnecessary, excessive, extravagant and unconscionable’ na gastusin.

“The audit team has given emphasis in reitera­ting the observations and recommendations in previous years and may consider these procured and undistributed/unutilized buffer stocks as wastage of government resources,” sabi ng COA.

(Allan Yvez Briones)