Abante Tonite Interactive

P.20-.30 tapyas kada litro ng diesel, kerosene

151

Inanunsyo kahapon ng kompanyang Pilipinas Shell na may pagbaba sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo sa susunod na linggo (Enero 14).

Sa maagang abiso ng Shell, epektibo ng alas-6:00 nang umaga ng Enero 14, magtatapyas ito ng P0.20 sentimos sa presyo ng kada litro ng diesel at P0.30 sentimos naman sa kerosene habang walang paggalaw sa presyo ng gasolina nito.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kompanya ng langis tulad ng Petron Corporation, PTT Philippines, Flying V, Seaoil at Phoenix Petroleum sa kahalintulad na bawas-presyo sa petrolyo.

Tuwing araw ng Martes malimit ipinatutupad ng oil companies ang kanilang price adjustment.

Ang napipintong bawas presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan. (Armida Rico)