Abante Tonite Interactive

P.20- P.35 dagdag sa kada litro ng gasoline, diesel, kerosene

323

Matapos ang anim na sunod-sunod na rollback, nagpatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa nga­yong araw (Pebrero 25).

Sa anunsyo ng Pilipinas Shell, Petron Corporation at Chevron Philippines, nagtaas ng P0.30 centavos kada litro sa gasoline, P0.20 sa diesel at P0.35 naman kada litro sa kerosene na epektibo ngayon alas-6:00 nang umaga.

Hindi naman nagpahuli ang PTT Philippines, Phoenix Petroleum, at Petro Gazz na nagpatupad din ng kaparehong taas presyo sa kanilang gasolina at diesel.

Aasahan naman ang pagsunod ng ibang kompanya ng langis tulad ng Seaoil sa kahalintulad na oil price hike kahit wala pang abiso ito.

Ang bagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan. (Armida Rico)