Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P.3M pabuya sa magtuturo ng barangay EX-O killer

0 152

Magbibigay si Bacoor City, Cavite Mayor Lani Mercado-Revilla ng P300,000 reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para maaresto ang pumaslang kay Exequiel I. Muncal, dating Ex-O ng Barangay Molino 3 sa naturang lungsod.

Si Muncal ay inambus ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek lulan ng mga motor at naka-uniporme pa umano ng mga motorcycle courier Sabado ng gabi, Enero 8, 2022 sa Camella Central, Molino 3.

Tinawag naman ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. ang atensyon ng Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni Chief PNP PGen. Dionardo Carlos sa patong-patong na kaso ng election-related violence ‘di pa man nag-uumpisa ang election period.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Naiintindihan nating nasa isolation si Chief PNP Carlos dahil nag-positive siya sa COVID, ngunit hindi naman dapat tumitirik ang organisasyon dahil diyan,” diin pa nito.

Ipinunto pa ng senador na batay sa inisyal na imbestigasyon ay pulis ang nasa likod ng pagpaslang kay Muncal. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.