Abante Tonite Interactive

P.3M sa killer ng Pandi ex-VM

4

May nakalaan nang pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon upang ma­dakip ng buhay ang gunman na miyembro ng gun-for-hire syndicate na bumaril at pumatay sa 62-anyos na da­ting Vice Mayor habang ito ay lulan ng kanyang sa­sakyan sa Barangay Manatal, Pandi, Bulacan kama­kailan.

Nakahandang mag­ka­loob si Pandi ­Mayor ­Enrico Roque ng P100,000 reward habang nangako naman ng karagdagang P200,000 si Gov.Wilhelmino M. Sy-­Alvarado upang ma­huli ang suspek na si A­riel Orolfo ng Barangay Pinaod, San Ildefonso na siyang itinuturong lone gunman base sa police photo gallery.

Ang suspek na si Orolfo ay mayroon nang mga kasong murder at matagal nang pinaghahanap ng awtoridad dahil sa kanyang gun-for-hire operation sa Bulacan at karatig-lugar at siyang itinuturo ng saksi na bumaril at pumaslang sa biktimang si ex-Vice Mayor Roberto Rivera y Marquez noong Lunes dakong alas-6:30 ng gabi.

Ang biktimang si Rivera ay masugid na lider/­supporter ng kanyang kamag-anak na si Pandi mayo­ralty bet Celestino Marquez ng KBL na makaka­laban ni Mayor Roque.

Ang suspek ay pa­tuloy na tinutugis nga­yon ng Pandi Police at Bulacan PNP matapos itong sampa­han ng kasong murder ng pamilya ng biktima. (Jun Borlongan)