Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P.5M marijuana binunot sa Sulu

0 104

Nasabat ng militar ang higit kumulang na kalahating milyong halaga ng nakatanim na marijuana at iba’t ibang drug paraphernalia sa Luuk, Sulu Martes ng umaga.

Ayon sa report, nag-iikot ang Marine Battalion Landing Team 8 sa Sitio Garid, Brgy. Kan-Mindus para sa security check nang paputukan sila ng hindi pa malamang bilang ng mga hinihinalang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Grouo (ASG).

Gumanti ng putok ang militar at natunton nila ang pinanggalingan ng mga ito mula sa isang maliit na kubo. Pag-aari umano ito ng nakatakas na ASG member na si Merson Alah Awwalun. Hinala ng mga awtoridad ginawa itong drug den dahil sa nasamsam na mga drug paraphernalia sa lugar. Nakita rin dito ang tatlong marijuana plantation na nasa 300 square metro.

Matatandaan na target si Awwalun ng mga awtoridad sa ginawang operasyon nitong Mayo 10. Narekober sa plantasyon nito ang P2.2 milyong halaga ng marijuana. Gayunman nakatakas ito. Dahil dito, posible umanong inisip niya na siya rin ang pakay ng mga awtoridad, kaya nagpaputok ito sa mga tropa ng pamahalaan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.