Abante Tonite Interactive

P.5M puslit na sigarilyo nakumpiska sa Palawan

By
0 59

Nasamsam ng mga awtoridad ang iba’t ibang kahon ng smuggled cigarette na aabot sa kalahating ­milyon ang halaga sa isla ng ­Balabac, ­Palawan.

Ayon kay Senior Supt. Greg Togonon, direktor ng 2nd Special Ope­rations Unit-Maritime Group, nakuha ng kanilang mga operatiba sa munisipalidad ng Bataraza ang 36 na kahon ng smuggled na sigarilyo ng Fort at 14 na kahon din ng Bravo mula sa da­lawang suspek sa baybayin ng isla ng Dalahican sa Brgy. Pandanan.

Sinabi ng opisyal na dadalhin sana sa Bataraza ang mga puslit na sigarilyo ngunit naharang nila ito sa bangka nina Kariam Innoh, 34-­anyos, at Jiya Doro, 56-anyos, mga residente ng Sitio Marabon, Brgy. Bancalaan.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang Harul Ismael umano ang nagmamay-ari ng mga puslit na sigarilyo. Iniha­handa naman ang kasong paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act para sa dalawang suspek na naaresto.