Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P.6M pabuya vs Milaor massacre suspek

0 129

Inilalako na ang nasa P600,000 pabuya para sa makapagtuturo sa pinagtataguan ng suspek sa pagpatay sa limang magkakamag-anak sa Milaor, Camarines Sur kamakailan.

Unang naglaan ang lokal na pamahalaan ng Milaor ng P100,000 para sa makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng suspek na si Arthur De Leon, na brutal na pumatay sa mismo niyang mga kamag-anak noong Biyernes sa Brgy. Tarusanan.

Dinagdagan ito ng P500,000 pabuya ni dating Camarines Sur 1st District Rep. Rolando Andaya.

Sa online press conference kahapon sa Camarines Sur PPO, hinimok ni Milaor Mayor Anthony Reyes na lumutang sa pulisya kung sinuman ang nakakaalam kung saan nagtatago si De Leon upang mabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng lima nitong biktima na pinatay nito dahil sa away sa lupa sa nasabing barangay.

SM food to go Banner Ad

Matatandaang Nobyembre 5 ng gabi nang pasukin ni De Leon ang bahay ng mga biktima bitbit ang isang armalite at pagbabarilin sina Romeo De Leon Sr., 72; Samuel Cobilla Jr., 21; magkapatid na Hobbie John, 6, at Robbie John Britanico, 4, na agad namatay sa lugar ng insidente.

Isa pang biktima ang nasawi habang ginagamot sa ospital na nakilalang si Noela De Leon Agliones, 7, na nagtamo naman ng grabeng pinsala nang maghagis ng granada ang suspek habang ang nag-iisang nakaligtas sa masaker at patuloy na ginagamot sa Naga City Hospital ay si Hades John Britanico, 7, na nagtamo rin ng tama ng bala sa katawan.

Nauna nang ipinag-utos ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang manhunt operation laban sa suspek na agad tumakas matapos ang ginawa niyang pagpatay sa kanyang mga kamag-anak. (Edwin Balasa/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.