Abante Tonite Interactive

P1.16B refund ng Sanofi, ikinahon sa mga biktima ng Dengvaxia

By
1,622

Upang hindi magamit sa ibang bagay, isinusulong sa Kamara na mailaan ang P1.16 bilyon na refund ng Sanofi para sa ayudang medikal ng mga batang nabakunahan ng kontrobersyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Inihain ni House Appropriations Committee chairman at Davao City Rep. Karlo Nograles ang isang panukala para magamit ang P1.16B supplemental budget sa kinakailangang suportang medikal ng mga batang binakunahan ng Dengvaxia.

Kabilang sa paglalaanan ng pondo ang pagpapa-ospital, medical kits, out-patient care services kabilang na laboratory tests at iba pa.

“This will ensure prompt and pinpointed delivery of necessary medical assistance to Dengvaxia vaccinees even as the Department of Health (DOH) continue to monitor their state in the months following their inoculation. Also, this is to allay the fears of the public on the purported effects of Dengvaxia and to prevent further deaths and illnesses of those administered with the vaccine,” pahayag ni Nograles.

Binigyang-diin ng mambabatas na dapat gamitin ng tama ang perang ibinalik ng Sanofi.

Sa pamamagitan nito ay maitutuwid aniya kung ano man ang naging sablay sa mass vaccination program.

Sinasabing ang P1.16B na refund mula sa mga hindi na nagamit na Dengvaxia ay nasa pag-iingat na ng National Treasury at naibigay ito noong Enero 26, ngayong taon. ­