Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1.1M branded relo na kontrabando hinarang ng BOC

0 361

Aabot sa P1.1 milyon halaga ng branded na relo at iba pang mamahaling imported item ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isang customs bonded warehouse sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Lunes, June 29.

Sa ulat ng ahensya, ang mga kontrabandong nasamsam ay mga branded na relo na kinabibilangan ng Michael Kors, Fosills, Anne Klein, Charriol, Invicta, Kate Spade, Diesel at Tommy at ito ay may kasama pang mga bag, wallet at sapatos.

Ang mga produkto na lahat ay naklasipikang commercial quantity ay bahagi ng consolidated shipment mula sa Estados Unidos na deneklarang personal effects.

Kaagad na inisyuhan ng Warrant of Seizure and Detention ng BOC-NAIA ang mga kontrabando dahil sa misdeclaration of goods. (Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.