Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1.2M marijuana sinunog sa Benguet

0 196

Nasa 6,300 marijuana plantation na nagkakahalaga ng mahigit P1.2 milyon ang sinira at sinunog ng mga awtoridad sa apat na anti-illegal drug operation sa Benguet kamakalawa.

Ayon sa kanilang report kay PNP chief Guillermo Eleazar, sinalakay ng pinagsanib na PNP at PDEA-Cordillera ang umano’y mga plantasyon ng marijuana sa Sitio Dalipey, Barangay Tacabang ng nasabing probinsya.

Ayon sa PDEA-Cordillera, sa unang site ay sinira ng mga operatiba ang may 1,200 marijuana plant na may halagang P240,000 sa may 200 square meter na lupain at sa pangalawang pagsalakay, 1,500 marijuana plant ang pinagbubunot sa may 250 sqm. na lupain.

Sa pangatlong raid, umabot sa 900 marijuana plant na nagkakahalagang P180,000 ang sinira sa may 150 sqm. na lupain at sa pang-apat, nasa 300 pananim na may halagang P600,000 ang sinunog sa 50 sqm. na lupain.

Samantala, bigo uli ang PNP at PDEA-Cordillera na makahuli ng cultivator sa nasabing mga lupain. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.