Abante Tonite Interactive

P1.35M, kotse nakataya sa LDI Pearl Cup finals

0 363

Makaraan ang mga eliminasyon sa probinsiya, larga na ang LDI Pearl Cup 5-Cock Derby grand finals sa Pebrero 19 sa malamig na San Juan Coliseum.

Humatak ng entries ang pasabong na ito ng ­Lakpue Drug Inc.(LD1) sanhi ng mababang entry fee na P3,300, pero garantisado ang P1.35M cash prizes hiwalay pa ang brand new Mitsubishi Mirage G4 AT.

Malamang lumusob ang mga sabungero sa Miyerkoles dahil sa 180 sultada sa 3–cock finals. Umiskor na ng dalawang panalo ang 83 entries at tatanggapin pa rin ang straight five cocks.

Ang champion ay may P600,000, sa any 4 points ay P200,000, sa 2 pts. sa elims ay P300,000, sa handler ay P100,000 at sa gaffer ay P50,000.

May bonus pa sa finals para sa fastest win ay brand new Mitsubishi Mirage G4 AT, sa segunda ay P45,000 cash at P5,000 halaga ng LDI products, sa tersera ay P25,000 at P5,000 worth LDI products at sa pang-apat ay P15,000 cash at P5,000 LDI products.

Tawagan sina Doc Marion Abella at Michelle Nava sa 0926 408 1643 at 0905 2016057 para makasali. (Enjel Manato)