Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P1.3B hazard pay ibibigay sa mga frontliner – Palasyo

0 198

Tiniyak Malacañang na matatanggap ng mga medical frontliner ang kanilang hazard pay at iba pang benepisyo.

Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasabay ng paghingi ng paumanhin sa naantalang hazard pay ng mga medical frontliner.

“Paumanhin po. Pero hindi po tumatalikod ang administrasyon ni Presidente Duterte. Ibibigay at ibibigay po ang lahat ng benepisyo na dapat tanggapin ng ating mga bagong bayani, ang ating medical frontliners,” ani ni Roque.

SM food to go Banner Ad

Ginawa ni Roque ang pahayag kasunod ng kilos protesta ng ilang medical frontliner kasabay ng National Health Workers’ Day nitong Mayo 7 kaugnay sa mga naantalang benepisyo at mababang suweldo na mahigit isang taon na mula nang magkaroon ng COVID-19 pandemya sa bansa.

Ginarantiyahan umano ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na hindi nagagastos ang pondo sa ilalim ng Republic Act 11469 o Bayanihan to Heal As One Act, para sa hazard pay ng mga health worker.

“Sinabi po niya [Duque] na iyong balanse na hindi nairi-release sa Bayanihan, na parang P1.3 billion, lahat po iyan ay ilalaan nila sa mga receivables ng mga frontliners by way of hazard pay at iba pang mga benepisyo na hindi natatanggap ng ilan sa kanila,” ayon kay Roque. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.